Walang hangganang kayamanan! dahil napapaligiran ng saganang kalikasan.

Mula sa matingkad na asul ng dagat ng Nihonkai, hanggang sa magarang antas ng malawak na luntian ng mga lupain sa mga bundok ng timog Alps.

Sa loob ng lungsod ng Itoigawa, ay may dalawang (2) National Park (Joshinetsu Kogen, Chubu Sangaku),at tatlong (3) Prefectural Park (Kubiki, Hakuba Sanroku, Oyashirazu Koshirazu). Ang sinomang makasaksi sa kasaganaan ng mga kalikasang ito ay naaakit at namamangha.

Malinis na tubig at hangin, ang mainit na tubig mula sa bukal, mga sariwang lamang dagat…ang mga biyayang ito na binibigyang buhay ng kalikasan ang maingat na yumayakap at nagbibigay pakinabang sa ating mga pamumuhay.

at noong Agosto 22, 2009 (Heisei 21), ang [Itoigawa Geopark] ang kauna-unahan sa bansang Japan na kinilala ng Global Geoparks.

Ka-ugnay na impormasyon: Itoigawa Geopark(English)

Benefit ng Geoparks

Kabundukan Narito sa distrito ng mga bundok na nakalatag sa hangganan ng prepektura ng Nagano at Toyama, pangunahin ang Korengesan (2,766m) ng prepektura Niigata na may pinakamataas na tuktok, kadugtong ang Amakazariyama (1,963m), at Hiuchiyama (2,462m) na nagbibigay ng walang kaparis na katangian ng mga bundok.

Napakaganda ng tanawin kung saan nagsasalapid ang mga bundok na sagana sa hugis na paalun-alon. Bilang isang mahalagang kayamanan ng mga halaman sa Alpine, maraming mga turista ang namamasyal rito taun-taon.

Karagatan Ang sitwasyon kung saan ang Fossa Magna ay tumatawid sa mga kapuluan ng Japan, ang nagbigay ng magandang kalidad ng mga hot spring sa lupaing ito.

Mula sa lihim na mga hot springs ng mga bundok ng kalikasan, sa mga hot springs na puno ng pag-aalaga ng mga lumang istilong mga kabahayan, hanggang sa mga resort hotel, may sampung (10) hot springs ang lungsod ng Itoigawa.

Hot Spring 横断日本列岛的大裂谷带,给糸鱼川市带来了优质的温泉。

糸鱼川市内有10处蒸汽升腾的温泉,有与大自然浑然一体,隐秘在深山老林的温泉,有人情洋溢,古朴的民家温泉,有高级的度假酒店,风格迥异,各具魅力。

Mga produkto ng agrikultura Kasabay ng pagpapalit ng apat (4) na panahon (four seasons ), ang pangunahin naming produkto ay bigas,bukod dito ay ang pabilog na talong at melon.

Mga produktong pang-dagat Sa paligid ng Itoigawa kung saan ang dagat ay bigla na lamang lumalalim, napakaganda ng mga palaisdaan na mayaman sa iba’t ibang klase ng isda. Mula sa walong (8) daungan ng isda na nakakalat sa 45 kilometrong haba ng baybay dagat, makakahuli ng mga pagkaing dagat na pambihira ang kasariwaan.

Kultura ng batong Ihada (Jade stone)

Kapag nabanggit ang Itoigawa, nangunguna sa buong bansa ang produksyon ng jade maging sa kalidad at dami. Dito rin nagmula ang kultura ng batong jade na pinakamatanda sa buong mundo.

Puno ng kalaliman ang liwanag ng batong jade na tinatawag na kayamanan ng silangan. Ang kislap nito na waring nagsasalaysay sa katandaan ng roma ay umaakit pa rin sa lahat hanggang ngayon.