■ Ang puno – Japanese Beech (Buna)
Japanese Beech (Buna) Ang buna o Japanese beech ay tumutubo ng malawak mula sa mga lupaing patag hanggang sa paanan ng mga bundok alpino. Ang malaking katangian ng punong ito ay ang kanyang kakayahan na magpanatili ng tubig sa kanyang katawan.Sa paligid ng beech ay sagana ang halaman at kabute na maaaring kainin, kaya’t ito ay lugar kung saan ang iba’t ibang klase ng halaman at hayop ay magkakasamang nabubuhay. Ang punong ito ay sagisag ng masaganang kalikasan, ipinadarama niya sa atin ang biyaya ng kalikasan.


■ Ang bulaklak – Bamboo lily (sasa yuri)

Bamboo lily (sasa yuri) Ang Bamboo lily o sasa yuri ay isang uri ng lily na natatangi sa Japan, ito ay nabubuhay sa parang ng bulubunduking lugar at maliwanag na kakahuyan. Ang bulaklak nito ay bumubukadkad mula Hunyo hanggang Hulyo na may kulay malamlam na rosas. Ang dalisay niyang samyo ay humahalimuyak sa hangin, tahimik siyang namumulaklak sa gitna ng kagubatan, ang payak niyang kagandahan na walang palamuti ang nagbibigay sa atin buhay ng kapakinabangan at kapayapaan.


■ Ang Ibon – Kingfisher (Kawasemi)

Kingfisher (Kawasemi) Ang kasay-kasay o kawasemi (kingfisher sa ingles)  ay may taas na17cm, at nananahan sa matutubig na lugar sa lungsod sa loob ng 1 taon. Ang malinaw na kulay asul at mahabang tuka ang malaking katangian ng ibong ito. Tinatawag din itong [Hiyas ng Kalangitan] kaya’t maging ang pangalan ng batong hiyas na jade o hisui ay kinuha sa kulay ng kasay-kasay o kawasemi.


■ Ang Batong hiyas – Jade (Hisui)

Jade (Hisui) Ang opisyal na pinanggagalingan ng jade o hisui (Kotakihisuikai at Hashidatehisuikai) na tinagurian ng bansa bilang likas na kayamanan ay nasa ating lungsod. Ang paggawa ng jade ay nagsimula pa noong panahon ng “jomon” at nagpasalin-salin sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ang lungsod rin na ito ang tinaguriang pinakamatandang orihen ng kultura ng jade at dito rin nagmula ang alamat ni Prinsesa Nunakawa na malalim ang kaugnayan sa batong jade.